Me vs Michelin is a column featuring the writer’s experience and random musings while dining at a Michelin Star restaurant. This is not a review.
Hindi nakaka-Project 8, oo, but eating at Michelin star-rated restaurants in cities we visit has been a fascination. AWUW. Kahit one star lang, ma-feel lang ang feeling na sa Ayala Alabang nakatira. Try natin ‘tong food blogging, pero San Joaquin-style pa rin.
Ah, so ganito pala ang lasa ng totoong soba. Sensya, bilang soba from the root words Nissin Yakisoba lang ang alam kong soba. Nanibago pa ang MSG-trained taste buds ko sa white cold soba, pero okay naman. (Shet, hindi nakaka-foodie ang okay naman, pero ganun talaga, okay naman!)
Director Dan Villegas, who was with me, is a soba fan. At sabi niya, super sarap daw. (Hindi na naman nakaka-foodie ang “sarap”, pero bakit ba, foodie ba ‘ko?!) Best soba he’s ever had, he said. Sabehhh?
Pero ang pinaka-bet ko ay ang tempura with sushi roll. Sumkinda may tempura sa loob ng sushi roll (sabi ko nga, kaya ‘yun ang tawag eh). Siguro kasi mahilig talaga ako sa sushi, at familiar ang dila ko sa tempura. Ah so ganun pala ang sawsawan ng tempura — hindi matamis? Sa Tokyo Tokyo kasi na-train ang dila ko sa tempura sauce, sarrehhh.
Si Ateng may-ari ay super-super friendly. In-explain niya ang mga fudam sa menu na naka-Japanese. (Walang English menu, so that’s a good thing, they say). Paulit-ulit naming sinabi ang oishi! (delicious!) at saikou! (excellent!) kay Ate. Sa sobrang tuwa niya, binigyan niya kami ng orange peel chocolate for dessert, compliments of the chef. Ang sarap nung panghimagas, bilang diabetic ang dila ko!
Thank you, chef! Oishi, saikou, kampai! Ay, sa alak pala yun, sarrehhh.
No photos allowed inside, kaya exterior at kalsada na lang kinunan ko. Unassuming and quiet street, sino’ng mag-aakalang nandito si Michelin?
Over-all, if you like soba, gora na sa Masa!
Sobakiri Masa
Specialty: Soba
Address: 1-16-12 Utsubohonmachi, Nishi-ku, Osaka
Rating: 1 Michelin star
Price: approx PhP2,000/pax
2️⃣0️⃣1️⃣6️⃣•3️⃣•2️⃣2️⃣
[…] This post can also be seen here: https://www.thepoortraveler.net/2016/03/michelin-star-sobakiri-masa-osaka-japan-antoinette-jadaone/ […]
Interesting info so much really good more on travel hacks please